Monday, April 1, 2002

dear diary,
Alaka ko dahil bakasyon may maiisulat ako dito pero naalala kong nakukulong lang sa bahay may maiisulat ba ako noon. Ginawa ko nalang umunta ako kina mommy nung gabi para maglaba ang sabi naman nung umaga hay! naku wala naman si jett mamaya. Tapos pumunta na nga ako nung gabi ihinatid pa ba naman ako ni Daddy. Naalala ko yung sinabi ni Bonna sa akin na nung sinabi ni Bonna: Jett andon si Clarice ay nang dead ma yata sya. Kaya parang gusto kong hindi na sya pansinin dahil mukhang galit sa akin. Pero nung pagdating namin ni Daddy sa kanto nakita ko sya (si Jett) nagbabike paikot-ikit. Sabi ko kay Daddy: sige, dito na lang Daddy po ako
Akala ko di nya ko nakita. Nung nakita ko sya gusto ko nalang sana syang dead-mahin. Pero kinausap nya ko. Ako namang si tanga nakipagusap pa dahil nga crush ko ngayon ko naisip na sana di ko nalang kinausap.
Post a Comment