Saturday, January 30, 2010

Sino Si Salenga? Saleng-ga??

Ang akala ko masasagot ng Google kung sino si Saleng-ga.. pero dahil 2,920,000 million ang results niya ibig sabihin sikat na siya! Pero sino siya?

Ang totoo niyan, hindi ako curious kung sino 'tong taong 'to. Pero dahil sa kuwela at madaldal at kung anu-anong sari-saring adventure ang nangyayari dito sa officemate kong ito:
nai-kuwento niya ang alamat ng misteryosong si Saleng-ga.

Si Saleng-ga daw ayon kay, itago nalang natin siya sa pangalang - Mr.Suabe, ay isang lalaking nagsasalita sa LRT na para bang may kausap sa cellphone pero halatang wala naman dahil tuloy-tuloy ang pagsasalita niya. Ang dami daw idinadaldal ni Saleng-ga. Parang tungkol lang dito:
Photo by angrylittleboy

At kung bakit ko ibina-blog si Saleng-ga? 'Yun ay hindi ko din alam. May iba pang mga blogger na nakaka-alam kung sino si Saleng-ga, at heto ang pahayag nila:

Meron akong hinala na sa darating na eleksyon, makikita ko ang pangalan ni Saleng-ga sa puwedeng bilugang-bilog sa balota sa pagpipiliang maging Presidente ng Pilipinas.

Bilog ang mundo, matagal na! Haller??!

UPDATE as of 03/02/2010 17:37
Mr. Suabe, the man in the picture above, just e-mailed us the latest update who Salenga really is.
Post a Comment