Tuesday, April 27, 2010

20 Sintomas ng Solo sa Bahay Namumuhay

  1. Hindi kaagad agad ibinabalik ang bagay na kinuha sa dating nilalagyan nito.
  2. Laging nasusunugan ng nilulutong kanin.
  3. Maghapon bukas ang tv, radio, computer, xbox, ps3, ..what have you?
  4. Natatambakan ng nakababad na labahing damit.
  5. Natatambakan ng hugasang pinggan sa lababo.
  6. Madalas masiraan ng pagkain at amagin ang nasa ref na pagkain.
  7. Purga sa de lata.
  8. Kailangan laging may ketchup at mantika sa kusina dahil laging prito ang ulam.
  9. Sanay na sanay nang kumain ng solo.
  10. Di nakakalimutan idouble-check ang susi bago lumabas ng bahay.
  11. Natatambak sa banyo ang mga damit na pinagpaltan.
  12. Mali-mali sa oras ang schedule ng pagkain.
  13. Mabilis mai-tago ang mga kalat kapag may biglaang dumating na bisita.
  14. Isa o mahigit na buwan bago ma-isipan na mag-walis.
  15. Hirapan maghanap ng mga nawawalang bagay tulad ng remote control, id, at nail cutter.
  16. Telebabad.
  17. Tulog sa umaga. Gising sa gabi.
  18. Sakripisyo kapag nagkasakit.
  19. It's either: House party or Peace of mind.
  20. Masayang malungkot.
Post a Comment